PNP, nagpasalamat sa kooperasyon ng publiko sa maayos na pagdaraos ng SONA ng pangulo kahapon

Nagpapasalamat ang Philippine National Police (PNP) sa publiko at sa iba’t ibang mga militanteng grupo sa kanilang kooperasyon na siyang naging dahilan para sa maayos na pagdaraos ng unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kahapon.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Brig. General Roderick Augustus Alba, matagumpay ang SONA ng pangulo at wala silang na-monitor na untoward incident.

Kasunod nito, ikinatuwa ni Alba ang pagtalima ng mga progresibong grupo sa mga security guidelines na ipinatupad ng Pambansang Pulisya.


Kinilala rin ng opisyal ang koordinasyon at commitment ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno na nagtulungan para sa maayos na pagplano at pagpapatupad ng security plan sa SONA ni PBBM kahapon.

Facebook Comments