PNP, nagpatupad ng total lockdown sa mga bayan sa Batangas na malapit sa Bulkang Taal

Nagpatupad na ang Philippine National Police (PNP) ng total lockdown sa apat na bayan na malapit sa Bulkang Taal.

Naglagay na ang PNP ng checkpoints sa mga bayan ng Laurel, Taal, Agoncillo at Talisay upang mapigilan ang mga residente na bumalik sa danger zone.

Pinayuhan naman ni DILG Secretary Eduardo Año ang mga apektadong residente na huwag nang bumalik sa kanilang mga bahay dahil mananatili ang mandatory evacuation sa 14 na lugar.


Kabilang na rito ang mga bayan ng: Agoncillo; Alitagtag; Balete; Cuenca; Laurel; Lemery; Malvar; Mataas Na Kahoy; San Nicolas; Sta. Teresita; Taal; Talisay; maging ang mga siyudad ng Lipa at Tanauan.

Sinabi naman ni Batangas Police Director, Colonel Edwin Quilates – binibigyan nila ang mga evacuees ng hanggang dalawang oras para bumalik sa kanilang bahay para kunin ang kanilang mga mahahalagang ari-arian at sagipin ang kanilang mga hayop.

Samantala, nagpakalat na rin ang PNP ng Anti-Looting Task Force para magpatrolya at maiwasan ang mga insidente ng pagnanakaw.

Facebook Comments