
Agad na nagsagawa ng road clearing operations ang Philippine National Police (PNP) sa mga lugar na sinalanta ng Super Typhoon Nando.
Kabilang na rito ang bayan ng Gonzaga sa Cagayan, kung saan nagtulong-tulong ang mga pulis upang maibalik ang normal na daloy ng trapiko at serbisyo sa mga apektadong lugar.
Maliban dito, nagsagawa rin ng clearing operation ang mga kawani ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), katuwang ang Philippine Coast Guard (PCG), sa mga puno na natumba at humambalang sa mga kalsada sa bayan ng Baggao, Cagayan.
Ito’y kasunod ng naranasang malakas na hangin kahapon, Setyembre 22, sa lalawigan ng Cagayan dulot ng Bagyong Nando.
Sa pinaka huling abiso ng Cagayan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), nasa mahigit 3,000 pamilya o katumbas ng 10,353 indibidwal ang apektado ng pananalasa ng Bagyong Nando sa 17 munisipalidad at 136 na barangay sa nasabing lalawigan.









