
Nagsagawa ng malawakang audit at inventory ang Philippine National Police (PNP) sa mga mobility at rescue assets nito para tumugon sa mga emergency sa buong bansa.
Sa utos ni acting chief PNP PLtGen. Jose Melencio C. Nartatez Jr., nakapagtala ang lahat ng regional offices at national support units ng kabuuang 74, 360 na mga search and rescue tools at materials.
Kabilang sa mga nai-audit at naimbentaryo ay mga gamit para sa rescue and relief operations kagaya ng shovels, axes, sledge hammers, 50 meter rescue ropes, lifevest, spineboards, first aid kits, at iba pang gamit para sa operasyon sakaling mawalan ng kuryente.
Samantala, nakatala na rin ang siyam na karagdagang sasakyang panghimpapawid para sa mabilis na aksyon sa search, rescue, and relief operations.
Ayon sa ahensya, ang nasabing audit ay bahagi PNP Focus agenda sa ilalim ng Management of Resources.
Kaugnay nito, nakatakda na ring bumili ng karagdagang mobility, investigative, at protective equipment ang ahensya para sa disaster response at pangkalahatang epektibidad ng kapulisan.









