PNP, nagsasagawa na ng crackdown laban sa ‘Tuklaw’ at iba pang uri ng ipinagbabawal na gamot

Hindi hahayaan ng Philippine National Police (PNP) na maglipana ang black cigarette o mas kilala bilang ‘Thuoc lao’ o Tuklaw sa merkado lalo na sa online.

Ayon kay PNP Chief PGen. Nicolas Torre III, magpapatuloy ang malawakang crackdown nila laban sa Tuklaw at sa lahat ng uri ng ipinagbabawal na gamot.

Maaalalang natuklasan sa pagsusuri ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na may mataas na nicotine content at synthetic cannabinoid ang Tuklaw na itinuturing na dangerous drug.

Sa ngayon, patuloy na iniimbestigahan ng mga otoridad kung paano nakapasok sa bansa ang Tuklaw.

Binalaan din ni Torre ang publiko na bawal ibenta at gumamit ng Tuklaw cigarettes dahil maliban sa panganib na dulot nito sa katawan ng tao ay mahaharap din sa paglabag sa Dangerous Drugs Law na may parusang pagkakabilanggo.

Kamakailan ay naaresto ang limang katao na umano’y sangkot sa pagbebenta ng Tuklaw sa Puerto Princesa City, Palawan.

Facebook Comments