PNP, nagsasagawa na ng imbentaryo sa mga pulis na may mga kamag-anak na tatakbo sa Eleksyon 2025

Obligado ang mga kawani ng Philippine National Police (PNP) na ideklara kung mayroon silang mga kamag-anak na tatakbo sa nalalapit na 2025 midterm elections.

Ayon kay Philippine National Police-Public Information Office (PNP-PIO) Chief Police Colonel Jean Fajardo, bahagi ito ng kanilang Standard Operational Procedure (SOP) upang hindi magamit ang pulisya sa mga agendang pampulitika.

Sa ngayon ani Fajardo, nagsasagawa na ng imbentaryo ang kanilang Directorate for Personnel and Records Management para mailipat ng kanilang place of assignment ang mga pulis na may mga kamag anak na tatakbo sa eleksyon.


Babawiin din ang mga police escorts na mayroong kamag-anak na tatakbo sa halalan at kinakailangang bumalik ang mga ito sa kani-kanilang respective units.

Samantala, pina-re-recall na rin ng PNP ang lahat ng police escorts na nakatalaga sa mga politicians at private individuals na kakandidato sa Eleksyon 2025.

Facebook Comments