Puspusan ang ginagawang paghahanda ng Philippine National Police (PNP) sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Ayon kay PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr., nagsasagawa na sila ng accounting ng most wanted persons at loose firearms.
Ayon kay Acorda, patuloy din nilang binabantayan ang aktibidad ng 38 potential Private Armed Groups at 4 active Protective Action Guides (PAGs).
Nais aniya nilang matiyak na magiging maayos at ligtas ang pagdaraos ng halalan sa bansa.
Kabilang sa tinututukan ng pulisya ang Negros Oriental at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) dahil sa ilang insidente ng karahasan.
Hinihintay naman ang mga lugar na ilalagay sa areas of concern kung saan inaasahan ang pagde-deploy ng karagdagang pwersa ng pulisya at militar.