Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP) sa nangyaring pagpapasabog sa isang transmission tower ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa Maguing, Lanao del Sur kamakailan.
Ayon kay PNP Chief General Dionardo Carlos, utos niya sa Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region na imbestigahan mabuti ang insidente.
Nakikipag-ugnayan na rin daw sila sa NGCP at mga posibleng testigo sa nangyaring pagpapasabog para matukoy ang mga salarin.
Kinokondena aniya ng PNP ang terroristic act na ito na malaki ang epekto sa komunidad sa lugar dahil sa nawalan ng supply ng kuryente.
Ginagawa aniya ng PNP ang lahat para matukoy at mapanagot ang mga salarin.
Sa ngayon, inanunsyo na ng NGCP na gagawin nila ang pagsasaayos ng kanilang tower sakaling ligtas na ang lugar.