PNP – nagsimula nang mag-deploy ng mga pulis sa paligid ng Batasan Pambansa Complex para sa ikalawang SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte bukas

Manila, Philippines – Sinimulan na National Capital Region Police Office (NCRPO) ang pagpapakalat ng mga tauhan nito sa paligid ng Batasan Pambansa Complex.

Ito ay bilang paghahanda sa seguridad sa sona ni Pangulong Rodrigo Duterte bukas.

Ayon kay NCRPO Chief Oscar Alabaylede – skeletal deployment pa lang ito para magbantay sa walong lugar sa Commonwealth Avenue at Batasan kung saan inaasahang magtitipon ang mga raliyista.


Bukas nang alas 4:00 nang madaling araw ang full deployment ng nasa 6,300 pulis.

Inaasahang aabot sa 10,000 ralisyista ang dadagsa bukas.

Bukod sa mga kritiko ng Pangulo, magsasagawa rin ng programa ang mga Pro-Duterte Group.

Facebook Comments