Nagsimula nang tumanggap ng aplikasyon ang Philippine National Police o PNP para sa nais ma-exempt sa ipapatupad na gun ban sa election 2022.
Ayon kay PNP Chief General Dionardo Carlos, katuwang sila ng Comelec sa pagproseso ng mga ihahaing Certification of Authority na gagawin sa pamamagitan ng Joint Security and Control Center (JSCC).
Para sa mga political aspirants, kailangan ng letter na nakasaad ang kanilang security detail.
Habang sa dadaan sa VIP Security and Protection Refresher Course ang lahat ng police security.
Ang mga dokumentong kailangan sa pag-aaplay ay ang;
CBFSC Form No. 2022-06 na mada-download sa website ng Comelec
2×2 photograph
Threat assessment
at ang CBFSC Form No. 2022-A-0-6-D-A
Iiral ang gun ban mula January 9, 2022 hanggang June 8, 2022 o pagkatapos ng May 9, elections.