PNP, nagsimula nang tumanggap ng aplikasyon sa special permit para sa fireworks display

67

PNP, nagsimula nang tumanggap ng aplikasyon sa special permit para sa fireworks display

Tumatanggap na ng aplikasyon ang Firearms and Explosives Office ng Philippine National Police (PNP) para sa special permit sa fireworks display.

Sa advisory na pirmado ni Police Major General Jesus Cambay, director ng Civil Security Group, inutusan niya na ang lahat ng Regional Civil Security Units na simulan na ang pagproseso sa mga aplikasyon.


Kasama sa requirements ng mga a-apply ay ang clearance mula sa Inter-Agency Task Force (IATF) at Local Government Unit (LGU) kung saan gagawin ang fireworks display.

Pinasisiguro naman ng PNP-FEO sa mga aplikante na sumunod sa health protocol at iwasan ang pagdaraos ng fireworks display na maging super spread event.

Sakali kasing magkaroon ng paglabag, mahaharap ang mga organizer sa kaukulang parusa.



Facebook Comments