PNP, nagtalaga ng bagong director ng PNP-IMEG

Manunungkulan simula ngayong araw bilang bagong direktor ng Philippine National Police-Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) si dating Criminal Investigation and Detection Group o CIDG Deputy Director for Administration PBGen. Oliver Enmodias.

Isinagawa kanina ang turn over ceremony sa Camp Crame na pinangunahan ni PNP Deputy Chief for Administration Police Lt. Gen. Joselito Vera Cruz.

Pumalit si Enmodias kay PBGen. Flynn Dongbo na itinalaga naman bilang Regional Director ng Police Regional Office 6.


Ayon kay Enmodias, sisikapin niya na mas mapabuti pa ang integridad ng IMEG para mas malinis ang PNP sa mga tiwaling pulis.

Matatandaang ang pag-upo ni Enmodias sa pwesto ay bahagi ng panibagong balasahan ng mga matataas na opisyal ng PNP nitong November 10.

Si Enmodias ay graduate ng Philillippine Military Academy Bigkis Lahi Class of 1990.

Facebook Comments