PNP, nagtayo ng 20 quarantine control points sa mga lugar na nasa GCQ bubble

Photo Courtesy: Philippine National Police Facebook Page

Nagtayo ang Philippine National Police (PNP) ng 20 “quarantine control points” sa mga lugar na isinailalim sa General Community Quarantine (GCQ) bubble kabilang ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal dahil sa patuloy na pagtaas na kaso ng COVID 19.

Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, inaatasan ang PNP na magtayo ng mga border checkpoints para mapigilan ang mga non-essential travel.

Maliban dito, inatasan din ang mga marshalls, Barangay Disiplina Brigades, mga barangay tanod na magbantay at manita ng mga susuway.


Hinikayat din ang publiko na magsumbong sa mga makikitang mass gatherings sa kanilang lugar sa mga Barangay Health Emergency Response Teams.

Tatagal ang GCQ bubble ng dalawang linggo mula Marso 22 hanggang Abril 4.

Facebook Comments