PNP Naguilian, Pinabulaanan na ‘Tanim-Droga’ ang Paghuli sa Bus Conductor!

*Cauayan City, Isabela- *Pinasinungalingan ni PMaj. Garry Macadangdang, hepe ng PNP Naguilian ang mga ibinabatong paratang ng mga netizen na tinamnan ng iligal na droga ang kanilang hinuli na bus conduktor sa drug buybust operation sa Brgy. Villa Paz, Naguillian, Isabela.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay PMaj. Macadangdang, bukas aniya ang kanilang himpilan na sagutin sa korte ang paratang na ‘Tanim-droga’ at kung mayroon mang paglabag sa pag-implimenta sa batas.

Magugunita na nahuli pasado alas 7:00 kagabi sa isinagawang buybust operation ng pulisya ang suspek na si Larry Lariosa, nasa hustong gulang at residente ng brgy Villa Paz kung saan nakuha sa pag-iingat nito ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu, Php1,000.00 na marked money at isang motorsiklo.


Batay kasi sa post na exclusive video na kuha ng 98.5 iFM Cauayan, maraming netizen ang nagbahagi ng kanilang opinyon o comment na halata umanong tinamnan ng droga ng mga operatiba ang suspek.

Giit pa ng Hepe, newly identified si Lariosa at hindi ito sumuko sa Oplan Tokhang ng kapulisan at matagal na rin minamanmanan ng pulisya.

Facebook Comments