PNP Naguilian, Pinaigting ang Seguridad Ngayong Araw ng Eleksyon!

Naguilian, Isabela- Alas tres y media pa lang kaninang umaga ay naghatid na ng mga balota ang mga guro at kapulisan sa bawat polling precinct sa bayan ng Naguilian.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni Police Senior Inspector Francisco Dayag ng PNP Naguilian sa naging uganyan ng RMN Cauayan sa programang Straight to the Point kaninang umaga.

Ayon kay Police Chief Inspector Dayag, sinimulan nilang inikutan mula kahapon ang dalawampu’t limang barangay mula sa pinakamalayong barangay na nasasakupan ng bayan ng Naguilian upang masiguro ang kaayusan at kapayapaan ng bawat barangay ngayong araw ng Barangay at SK Eleksyon.


Ayon pa kay PCI Dayag, wala pa umanong naitatalang insidente sa kanilang nasasakupan na may kaugnayan sa eleksyon at umaasa ang hepe na sana’y manatili ang kaayusan sa kanilang bayan.

Facebook Comments