PNP, nais magsampa ng reklamo sa piskal na nagpalaya sa dalawang pulis na sangkot sa pagpatay kay Capt. Roland Moralde

 

Kasalukuyang pinag-aaralan ng legal service ng Philippine National Police (PNP) ang pagsasampa ng kaso laban sa piskal ng Maguindanao del Norte na nag-utos sa pagpapalaya ng dalawang pulis na sangkot sa pagpatay kay Capt. Roland Moralde nitong May 2 sa bayan ng Parang, Maguindanao del Norte.

Ibinahagi naman ni PNP Spokesperson Col. Jean Fajardo na maaaring may conflict of interest dahil kaanak ng dalawang pulis na suspek ang asawa ng naturang piskal.

Iminungkahi naman ni Col. Fajardo na dapat ay nag-inhibit ang piskal kung may kaugnayan ito sa mga suspek, at nanindigan na malinaw na murder ang kaso dahil kita sa kuha ng CCTV na walang kalaban-laban si Moralde nang siya’y pagbabarilin ng dalawang pulis.


Samantala, humiling naman ang PNP Bangsamoro na mailipat ang pagproseso ng kaso sa tanggapan ng PNP sa Metro Manila.

Facebook Comments