PNP – naisumite na sa COMELEC ang listahan ng areas of concern at immediate concern

Manila, Philippines – Naisumite na ng Philipine National Police (PNP) sa Commission on Elections (COMELEC) ang listahan ng areas of concern at immediate concern kaugnay ng gaganaping plebesito para sa Bangsamoro Organic Law at midterm elections sa Mayo.

Ito ang kinumpirma ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde sa isinagawang national joint security coordinating meeting sa Camp Crame kanina.

Ayon kay Albayalde – nasa kamay na ng COMELEC ang desisyon sa mga lugar na tinukoy ng PNP.


Hindi naman binanggit ng PNP Chief kung ilan at ano-anong lugar ang kasama sa listahan.

Mas makabubuti aniya na hintayin na lang ang desisyon ng COMELEC hinggil dito.

Facebook Comments