PNP, naka-alerto kasabay ng anibersaryo ng CPP-NPA-NDF

Nananatiling nakaalerto ang Philippine National Police (PNP) kahit wala silang namo-monitor na banta mula sa Communist Party of the Philippine-New Peoples Army-National Democratic Front o CPP–NPA-NDF kasabay ng kanilang ika-50 anibersaryo.

Ayon kay PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde, ipinag-utos na niya sa ang kanyang mga PNP Regional Directors na pag-aralan ang mga camp defense plan at magsagawa ng simulation exercise para hindi na malusutan ng mga pag-atake ng CPP-NPA.

Una nang nagpatupad ng unilateral ceasefire ang mga komunista kasabay ng pag-obserba sa holiday season.


Pero hindi nagdeklara ng tigil-putukan ang AFP dahil baka gamitin umano ito ng mga rebelde para makapag-recruit ng mga bagong kasapi.

Facebook Comments