PNP, naka-alerto na sa epekto ng Bagyong Maring

Naka-alerto na ang Philippine National Police (PNP) sa posibleng maging epekto ng Bagyong Maring sa bansa.

Ayon kay PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar, naka-monitor na ang regional offices ng PNP partikular sa Eastern Visayas para asistehan ang lokal na pamahalaan sa posibleng evacuation sa mga residente na nasa flood-prone at landslide-prone areas.

Pinababantayan din ni Eleazar ang galaw ng bagyo upang mapaghandaan ang posibilidad na epekto o pinsala nito.


Una nang nagbabala ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga residente sa 2,433 na lugar sa Eastern Visayas sa pagbaha at pagguho ng lupa.

Facebook Comments