PNP, naka-alerto pa rin sa dalawang huling araw ng voter registration

Bilin ni Philippine National Police Chief PGen. Guillermo Eleazar, ang mga pulis na manatiling alerto sa huling dalawang araw ng voter registration.

Ito ay sa harap ng posibleng pagdagsa ng mga “last-minute” na magpaparegistro sa iba’t ibang registration sites sa buong bansa.

Apela ni Eleazar sa mga magpaparehistro, sumunod sa health protocols para na rin sa kanilang kaligtasan.


Sinabi ni PNP chief na nais maiwasan ng PNP ang nangyaring pagkukumpulan ng mga magpaparehistro sa mga registration sites tulad ng nangyari noong Setyembre 30.

Pinalawig ng Commission on Elections (COMELEC) ng isang buwan ang pagpaparehistro kasunod ng apela ng maraming sektor.

Bukas, Oktubre 30 ang huling araw ng extension para sa pagpapa -rehistro sa National at Local Election sa susunod na taon.

Facebook Comments