PNP, naka-full alert status na bilang paghahanda ngayong undas

Isinailalim na simula ngayong araw sa full alert ang buong pwersa ng Philippine National Police (PNP) para sa paggunita ng undas.

Inaasahang Milyun-Milyong Filipino ang muling tutungo sa mga Sementeryo para bisitahin ang mga yumaong mahal sa buhay ngayong todos Los Santos.

Ayon kay PNP Spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac, nasa higit 35,000 na pulis ang ipakakalat sa buong bansa para tiyakin ang seguridad.


Magiging katuwang ng pulisya ang nasa 100,000 multipliers na kinabibilangan ng Medical, Fire at Rescue Volunteers at Barangay Officials.

Babantayan ang mga Sementeryo, Paliparan, Pantalan, Bus Terminals, mga istasyon ng Tren at mga Mall.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni NCRPO Chief, Brig/Gen. Debold Sinas, higit  3,000 pulis ang ipapakalat nila sa 118 Sementeryo sa buong Metro Manila.

Sa ngayon, wala pang namomonitor ang PNP na kahit anong banta sa seguridad.

Mananatiling nasa Full Alert Status ang PNP hanggang sa November 3 kung saan inaasahang babalik ang libu-libong katao sa Metro Manila.

Facebook Comments