PNP, naka -full force sa pagsasagawa ang relief at clearing operations sa mga lugar na sinalanta ng Super Typhoon Rolly

Full force na ang ginagawang relief at clearing operation ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) sa mga lugar sa bansa na matinding sinalanta ng Super Typhoon Rolly.

Ayon kay PNP Chief Police General Camilo Cascolan, lahat ng PNP units sa mga apektadong rehiyon ay abala na sa pagsasagawa ng clearing operations sa mga highway at mga major highway para makatulong sa ginagawang relief operations sa mga apektadong pamilya.

Layon nang malawakang clearing operation ng PNP sa mga lugar na sinalanta ng bagyo na maging mas maganda ang daloy ng emergency services, mga sasakyan na nagdadala ng tulong at mga commercial cargo.


Samantala, hanggang ngayong araw, mayroon nang 1,556 police personnel ang ideneploy sa mga evacuation areas para tumulong sa pamamahagi ng pagkain at iba pang pangangailan ng evacuees.

Inutos na rin ni Cascolan na i-deploy ang mahigit 5,000 mga search and rescue personnel na mula sa mahigit 16,000 standby personnel para tumulong.

Sa ulat ng PNP, mayroon silang naitalang 158,776 affected families o katumbas ng 611,893 individuals ang ngayon ay nananatili sa 16,017 evacuation sa Regions 1, 2, Cordillera, 3, 4A, 4B, 5, 6, 7, 8, 9, NCR, at Region 13.

Facebook Comments