PNP, naka-heightened alert matapos mapatay ang isang lider ng komunista

Inalerto ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Guillermo Eleazar ang buong pwersa ng pulisya dahil sa posibleng paghihiganti ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) kasunod ng pagkakapatay sa isa nilang mataas na opisyal na si George “Ka Oris” Madlos.

Si Madlos na siyang commander at tagapagsalita ng National Operations Command ng NPA ay nasawi sa isang engkwentro sa Impasugong, Bukidnon nitong Sabado, Oktubre 30.

Kasabay nito, pinuri ni Eleazar ang militar dahil sa matagumpay nilang operasyon. Tinitiyak naman ni Eleazar sa publiko na hindi nila hahayaang maisakatuparan ang anumang plano ng mga komunista.


Patuloy rin ang pakikipag-ugnayan ng PNP sa sa Armed Forces of the Philippines (AFP) upang siguruhin ang kaligtasan ng mga tao.

Facebook Comments