Isinailalim na sa heightened alert ang buong hanay ng Pambansang Pulisya para sa nalalapit na paggunita ng Semana Santa.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Public Information Office (PIO) Chief PCol. Jean Fajardo, awtomatiko na itong ipinatutupad ng PNP tuwing sumasapit ang Holy week break.
Maliban sa mga simbahan tututukan din ng PNP ang mga tourist spots dahil kadalasang sinasamantala ito ng ating mga kababayan para magbakasyon.
Una nang sinabi ng PNP na magpapakalat sila ng 34,000 na mga pulis sa buong bansa para sa Oplan Summer Vacation (SUMVAC)
Samantala, ipapapaubaya na ng pamunuan ng Pambansang Pulisya sa mga Regional Director ang security deployment sa kani-kanilang nasasakupan at pagtatakda ng alert status, depende sa sitwasyon.