Nakapagtala na ang Philippine National Police (PNP) ng 11 indibidwal na naaresto dahil sa paglabag sa Commission on Election (COMELEC) gun ban na nagsimula nitong January 9 at magtatagal hanggang June 8, 2022.
Batay sa ulat ng Philippine National Police (PNP) Public Information Office, ang 11 indibidwal na ito ay mga sibilyan.
Ang mga sibilyang nahuli, dalawa ay sa National Capital Region (NCR), tig-iisa sa region 5, Region 8, region 3 at region 4A.
Habang tatlo naman sa region 9 at dalawa rin sa Bangsamoro Autonomous region.
Nakuha sa 11 indibdiwal ang 10 mga baril, 95 mga bala at isang firearm replica.
Sa ngayon nagpapatuloy ang checkpoint ng PNP upang matiyak na walang sinumang hindi awtorisadong indibidwal ang may bitbit ng baril.
Ito ay paghahanda sa gaganaping eleksyon sa Mayo.