PNP, nakafull alert na sa gaganaping ASEAN meeting ngayong linggo sa Iloilo

Manila, Philippines – Nakahanda na ang Philippine National Police sa pagbibigay seguridad para sa gaganaping ASEAN meeting sa Iloilo City, ngayong linggo.
 
Inilagay na sa full alert ang buong kapulisan at hindi na rin papayagang mag-leave ang mga ito maliban kung may emergency.
 
Mahigpit na rin ang seguridad sa Iloilo Convention Center na pagdarausan ng mga pagpupulong.
 
Ngayong araw (March 6) hanggang bukas gaganapin ang 22nd Senior Officials Meeting for Asocciation (SOCA).
 
March 8 hanggang 9 naman ang 17th ASEAN Socio Cultural Community (ASCC) council meeting.
 
 kabilang sa mga dadalo ay si Dept. of Social Welfare and Development Secretary Judy Taguiwalo at ASEAN Secretary General Lei Long Min.
 
Tiniyak ng PNP na magiging mapayapa at maayos ang pananatili ng mga delegado na dadalo sa naturang pulong kung saan nasa apat na libong pulis ang magbabantay sa lugar.
 
Sa kasalukuyan ay walang natatanggap na banta mula sa anumang grupo kaugnay sa pagdaraos ng ASEAN summit.
 
Tag: RMN News Nationwide: “The Sound of the Nation.”

Facebook Comments