PNP, nakahanda na sa kasadong kilos protesta kontra korapsyon; zero violence at maximum tolerance, pinaiigting muli sa Nobyembre 30

Nakahanda na ang Philippine National Police (PNP) para sa gaganaping muling Trillion Pesos March na kilos protesta sa Nobyembre 30.

Kaugnay nito, pinaiigting muli ng PNP ang zero violence at maximum tolerance sa nasabing kilos protesta.

Ayon kay Acting Chief PNP, Police Lieutenant General Jose Melencio C. Nartatez Jr., natuto na ang lahat sa nakaraang mga rally kung kaya’t ang mga personnel nito ay nakahanda at nakaalerto para sa kaligtasan ng publiko.

Hinimok ni Nartatez ang mga lalahok sa rally na sundin ang mga kautusan ng mga personnel, irespeto ang ibang mga kasama, at tulungan sila na panatilihin ang kaligtasan at maayos na kapaligiran.

Nagpaalala muli ang PNP na planuhin ang alternatibong daanan para sa mga motorista at ibang kalapit na komunidad dahil sa posibleng bigat ng daloy ng trapiko dulot ng nasabing kilos protesta.

Facebook Comments