PNP, nakahanda na sa mga inaasahang kilos protesta ngayong araw ng paggawa

All set na ang seguridad ng Philippine National Police o PNP para sa mga ikakasang kilos protesta ngayong Araw ng Paggawa o Labor Day.

Ayon kay PNP Chief Police Gen. Oscar Albayalde, mahigpit ang kaniyang bilin sa mga pulis na ipatupad ang maximum tolerance sa hanay ng mga magpoprotesta.

Kasabay nito, nagpaalala si Albayalde sa mga makikiisa sa mga protesta na mag-ingat sa mga grupong balak lang ay manggulo at magsamantala sa okasyon.


Facebook Comments