Nakastand by ang Philippine National Police para sa muling pag aresto sa suspek sa karumaldumal na pagpatay kay Christine Silawan sa Lapu Lapu City Cebu.
Ito ay matapos na tawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang prosecutor na nag utos na palayain ang 17 anyos na suspek at sinabing i-recall o bawiin ang desisyon nito sa kaso.
Ayon kay PNP spokesperson Police Col. Bernard Banac anuman ang panibagong utos ng korte ay susundin lamang ito ng PNP.
Sa ngayon aniya hindi nila tiyak kung nanatili pa rin ang suspek sa kanilang bahay matapos na palayain kamakailan ng prosecutor pero kung muling iutos ng korte ang muling pag-a resto gagawin nila ang lahat para madakip ito.
Lumalabas sa imbestigasyon na dating magkasintahan ang biktima at suspek
Selos ang tinitingnan motibo ngayon ng PNP sa karumal dumal na pagpatay habang patuloy pa ring hinahanap ang dalawa pang suspek na posibelng kasabwat sa krimen.