Siniguro ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Archie Francisco Gamboa na handa ang PNP sa napipintong pagbubukas ng klase sa August 24, 2020.
Sa kanyang virtual press conference, sinabi nitong suportado nila ang Department of Education (DepEd) para bantayan ang mga magbabalik eskwela sa gitna ng umiiral na pandemya.
Aniya, magbabantay ang mga pulis sa mga places of convergence ng mga estudyante na bibiyahe patungo sa mga paaralan.
Sa ngayon, mayroon na silang nakahandang securirty plan at makikipagpulong sila sa mga paaralan at iba pang mga stakeholder para plantsahin ito.
Sinabi rin ni PNP Chief na handa silang magbigay ng proteksyon sa mga guro sa mga liblib na lugar at magturo ng crime-awareness sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng ‘Pulis ko, Titser ko’ program.
Tiniyak din ni Gamboa na tutulong din ang PNP sa Brigada-Eskwela para ihanda ang mga paaralan sa pagbubukas ng klase.