Siniguro ni Philippine National Police (PNP) Director for Operations at Security Task Force-National and Local Elections (STF-NLE) 2022 Deputy Commander Police Maj. Gen. Valeriano de Leon na handa na ang PNP para sa isasagawang special elections sa hindi bababa sa 14 na barangay sa Lanao del Sur.
Aniya, nakikipag-ugnayan na siya sa Commission on Elections (COMELEC) para sa seguridad ng special election, batay na rin sa direktiba ni PNP Officer in Charge PLt. Gen. Vicente Danao.
Aniya pa, magde-deploy ng augmentation force ang PNP para tumulong sa local police nang masiguro ang mapayapang pagdaraos ng special election.
Mahigit 8,000 botante ang na-“disenfranchise” sa naturang mga barangay sa Binidayan, Butig and Tuburan, Lanao del Sur matapos na ideklara ang failure of elections sa mga lugar na ito.
Sa Mayo 24 itinakda ng COMELEC ang special election sa Tubaran.