
Nakahanda na ang Philippine National Police (PNP) sa binigay na direktiba ng Department of the Interior and Local Government o DILG sa pagsasagawa ng mandatory at preemptive evacuation sa mga lugar na posibleng maapektuhan dulot ng paparating na Bagyong Uwan.
Ayon kay PNP Acting Chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., pinaiigting na nito ang pakikipag-ugnayan sa mga local government units (LGUs) at mga disaster response agencies para sa seguridad at kaligtasan ng mga komunidad.
Dahil sa lawak at posibleng pinsala ng bagyo, inatasan na ni Nartatez na ilagay na sa full alert ang mga unit nito lalo na Northern at Central Luzon na inaasahang maapektuhan ng nasabing paparating na bagyo.
Kaugnay nito, hinimok ng ahensya ang publiko na sumunod agad sa mga abiso ng pamahalaan at wag nang hintayin na lumala pa ang sitwasyon.









