PNP, nakahanda na sakaling itaas muli sa Alert Level 2 ang Metro Manila

Tiniyak ng Pambansang Pulisya na palaging handa ang kanilang pwersa na magpatupad ng public safety and security services sakaling itaas muli sa Alert Level 2 ang status ng Metro Manila.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson Col. Jean Fajardo na kapag naghigpit muli ang restrictions ay nakahanda silang magpatupad ng border control lalo na sa mga kalapit na probinsya o lalawigan ng National Capital Region (NCR).

Sa ngayon ani Fajardo ay tuloy ang koordinasyon ng Pambansang Pulisya sa mga lokal na pamahalaan maging sa barangay upang makasigurong nasusunod pa rin ang minimum public health standards lalong-lalo na ang pagsusuot ng face mask.


Paalala pa nito sa publiko, nasa ilalim pa rin ang bansa ng public health emergency kung kaya’t ang national government sa pamamagitan ng Inter-Agency Task Force (IATF) Resolution pa rin ang masusunod kaya’t tuloy ang pagsusuot ng face mask indoor man o outdoor dahil nananatili pa rin ang banta ng COVID-19.

Facebook Comments