PNP, nakahanda sa bantang Martial Law ng Pangulo ngayong umiiral ang ECQ

Dahil sa frustration lang ng Pangulong Rodrigo Duterte sa mga patuloy na lumalabag sa umiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ) kaya nagbanta na ito na magpapatupad ng Martial Law simula sa susunod na Linggo.

Ito ang sinabi ni Joint Task Force COVID-19 Shield Commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar.

Aniya, sa kabila ng mga babala at panawagan ng gobyerno na seryosohin ang quarantine protocols partikular ang pananatili sa bahay ay napakarami pa rin ang hindi sumusunod kaya naiintidihan raw nila ang sentimyento ng Pangulo.


Pero ayon kay Eleazar nakahanda ang Joint Task Force COVID-19 Shield na kinabibilangan ng Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), Anti-Cybercrime Group (ACG) at Bureau of Fire Protection (BFP) para sa anumang senaryo at sa anumang ipaguutos ng Pangulo.

Ang pangulo at ang kanyang mga crisis managers aniya ang nakakaalam ng lahat para sa ikakabuti ng bawat Pilipino ngayong nakakaranas ng health crisis ang bansa kaya susunod lamang ang PNP sa anumang utos.

Samantala, sa ngayon umaabot na sa 120,000 curfew at ECQ violators ang naitala ng JTF Task Force COVID-19 Shield

Kaya naman mas maraming pulis na ngayon ang naka-deploy sa mga kalsada para sitahin ang mga lumalabag, lalo na ang mga nagiinuman at mga nagsasabong.

Facebook Comments