Thursday, January 29, 2026

PNP, nakahanda sa ikakasang motorcade caravan ng ilang grupo sa kahabaan ng EDSA

Nakahanda na ang Philippine National Police (PNP) na panatilihin ang kapayapaan at kaayusan sa ikakasang motorcade caravan ng ilang grupo sa kahabaan ng EDSA.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Brigadier General Randulf Tuaño, gumagalang ang Pambansang Pulisya sa karapatan ng mamamayan na magsagawa ng mapayapang pagtitipon.

Gayunpaman, pinaalalahanan nito ang mga lalahok na makipag-ugnayan sa mga awtoridad at sumunod sa umiiral na batas upang matiyak ang kaligtasan ng lahat at maayos na daloy ng trapiko.

Kaugnay nito, magkakaroon ng dalawang assembly point ang motorcade caravan sa Mall of Asia at sa White Plains, Quezon City.

Ayon sa mga organizer, ang caravan ay isang coordinated at mapayapang pagpapakita ng pagkakaisa na nananawagan ng accountability at pagbibitiw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Facebook Comments