
Sa pulong pambalitaan na ginanap sa Kampo Krame, sinabi ni Philippine National Police (PNP) acting Chief, Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. na nakahanda ang ahensya sa posibleng cyberattack sa Nobyembre 5.
Matatandaan na nagbigay ng anunsyo ang Department of Information and Communications Technology o DICT sa publiko hinggil sa posibleng pag-atake.
Ayon kay Nartatez, magsasagawa ang ahensya ng magpapatibay sa mga firewall at integrity ng mga hardware at software.
Dagdag pa nya, may direktiba man o wala ay poprotektahan nila ang data at information lalo na sa logistics, firearms at ang Internal Disciplinary Mechanism Information System o IDMIS ng ahensya.
Samantala, inihahanda na rin ng PNP ang mga units nito pati na rin ang mga precautionary measures para sa nasabing cyberattack.










