
Handang makipagtulungan ang Philippine National Police (PNP) sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa posibleng paglalagay ng mga resources na tutulong sa pangangasiwa ng trapiko at seguridad sa nangyayaring rehabilitasyon sa EDSA.
Bagama’t inaasahan na magdedeploy din ng mga tauhan ang MMDA at ang lokal na pamahalaan ay nais din tumulong ng PNP sa nasabing augmentation.
Layon nito na mabawasan ang epekto ng rehabilitasyon sa mga motorista at commuter sa buong panahon ng implementasyon ng nasabing edsa rehab.
Ayon kay PNP Acting Chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., ang mga territorial unit ng PNP at ang Highway Patrol Group (HPG) ay maaaring magsilbing karagdagang pwersa sa strategic locations sa kahabaan ng EDSA at sa mga pangunahing alternatibong ruta.
Samantala, paiigtingin naman ng PNP ang paggamit ng CCTV monitoring, traffic sensors, at mga traffic app para subaybayan ang galaw ng trapiko.
Dagdag pa dito , ay naka-standby na din ang rapid deployment team para sa mabilis na pagtugon sa mga aksidente , pagkasira ng sasakyan at ibang emergency.
Kaugnay nito ay nagbigay naman ng paalala ang ahensya sa publiko na planuhin na ng maaga ang kanilang byahe para maiwasan ang anumang di kanais-nais na pangyayari.










