PNP, nakakapagtala ng 43,000 quarantine violators araw-araw sa buong bansa

Inihayag ni PNP Chief General Guillermo Eleazar na araw-araw ay nakakapagtala ang Philippine National Police (PNP) ng 43,000 quarantine violators nationwide.

Ito ay kahit na mahigpit ang pagpapatupad ng PNP ng mga quarantine protocols para mapigilan ang pagkahawa-hawa ng COVID-19.

Ayon kay Eleazar, kung sa Metro Manila lang, 9,000 quarantine violators ang naitatala araw-araw habang sa NCR Plus naman, umaabot sa 26,000 quarantine violators araw-araw ang naitatala.


Ang datos na ito ay mula August 6 hanggang 17, 2021.

Sinabi ni PNP Chief na isusumite nila ang datos na ito sa Metro Manila Council at Inter-Agency Task Force (IATF) para kanilang ma-review at maging batayan sa pagdedesisyon para sa susunod na quarantine status.

Sa ngayon aniya, maghihintay lamang sila sa mga susunod na utos sa PNP.

Facebook Comments