PNP, nakakumpiska ng ₱1.63 bilyong halaga ng iligal na droga sa unang quarter ng 2022

Aabot sa ₱1.63 bilyong halaga ng iligal na droga ang nakumpiska ng Philippine National Police (PNP) sa kanilang ikinasang 12,858 police operations simula January 1, 2022 hanggang March 31, 2022.

Ayon kay PNP Chief General Dionardo Carlos, ang pagkakakumpiska ng bilyong pisong halaga ng droga ay nagresulta sa pagkakaaresto sa 15,946 na mga drug suspect at pagkamatay ng 31 sa police operations.

May 288 na miyembro naman ng organized crime groups ang naaresto rin sa kaparehong panahon.


Nakuha sa mga ito ang 1,476 na firearms.

Samantala, nakaaresto rin ang PNP ng 2,542 na indibidwal kaugnay sa kanilang kampanya laban sa mga loose firearms at mahigit 1000 sa mga nahuli ay nasampahan na ng kaso sa korte.

Sinabi pa ni Carlos ang paglaban sa insurgency ay kasama sa kanilang focus para matamo ang inaasam na pangmatagalang kapayapaan sa bansa.

Sa katunayan aniya sa pagsisimula ng 2022 ay mahigit 1,000 miyembro ng communist at local terrorist groups ang naitala nilang sumuko.

Facebook Comments