PNP, nakakumpiska ng mahigit 500,000 ng ilegal na paputok

Nagpapatuloy ang kampanya ng Philippine National Police (PNP) laban sa pagbebenta ng mga iligal na paputok.

Ayon kay PNP PIO Chief BGen. Jean Fajardo, umabot na sa mahigit 500,000 piraso ng illegal firecrackers ang kanilang nakumpiska, na may kabuuang halaga na ₱2.4 million.

Samantala, 19 katao kabilang ang 2 menor de edad ang naaresto ng Pambansang Pulisya dahil sa pagbebenta ng paputok online.


Ang hakbang na ito ng PNP ay bahagi ng kanilang pagtutok sa kaligtasan ng mamamayan ngayong pagsalubong sa Bagong Taon.

Facebook Comments