PNP, nakapagsampa na ng 121 kasong kriminal laban sa pang-abuso sa pandemya

Umabot na sa 121 kasong kriminal ang naisampa ng Philippine National Police (PNP) sa mga indibidwal na umaabuso sa nararanasang na krisis sa kalusugan ng bansa dahil sa COVID-19.

Sa inilabas na datos ng PNP, kabilang sa mga ito ang pagpapakalat ng maling impormasyon, online scams at ang iligal na pagbebenta ng medical supplies online.

Pagtitiyak naman ni PNP Chief General Guillermo Eleazar na pinaigting pa ng pambansang pulisya ang pagbabantay sa mga ganitong krimen online.


Ang mga suspek ay mahaharap sa paglabag sa Article 154 ng Revised Penal Code, Anti-Cybercrime Law at sa Presidential Decree No. 90.

Facebook Comments