PNP, nakapagtala na lamang ng 16 na aktibong kaso ng COVID -19

16 nalang ang aktibong kaso ng COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP).

Ito’y matapos na makapagtala ang PNP Health Service ng isang bagong recovery at zero na bagong kaso ngayong araw.

Ito na ang pinakamababang bilang ng aktibong kaso sa tala ng PNP matapos na umabot ang bilang sa mahigit 3000 noong Setyembre.


Sa ngayon, nasa 42,246 tauhan ng PNP ang tinamaan ng COVID-19 kung saan 42,105 ang naka-rekober at 125 ang nasawi.

Kaugnay nito, 99.4% na ng PNP ang bakunado laban sa COVID-19 kung saan 95% ang fully vaccinated, at 4.3% ang naghihintay na lang ng pangalawang dose ng bakuna.

Habang 61% o 1,385 ang hindi pa nabakunahan, 742 sa mga ito ay may valid reason, at 643 ang sadyang ayaw lang magpabakuna.

Facebook Comments