PNP, nakapagtala na lamang sampung aktibong kaso ng COVID-19

Bumaba na sa 10 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Philippine National Police (PNP).

Ito ay sa harap nang nagpapatuloy na pagpapatupad ng Alert Level 1 sa National Capital Region (NCR) at ilan pang lugar sa bansa.

Batay sa ulat ng PNP Health Service, kahapon wala silang naitalang bagong gumaling sa sakit, wala ring bagong naitalang kaso at wala ring naitalang namatay dahil sa COVID-19.


Sa kabuuan mula nang magsimula ang pandemya, umabot na sa 48,831 ang mga dinapuan ng virus sa pulisya, kung saan 48,693 ang mga gumaling at 128 ang mga nasawi.

Samantala, umakyat na sa 130,677 PNP personnel o 61.82 percent ang nabigyan ng booster shot bilang karagdagang proteksyon kontra COVID-19.

Facebook Comments