Nakapagtala ang Philippine National Police (PNP) ng anim na insidente ng indiscriminate firing, dalawang araw bago ang pagsalubong sa 2020.
Sa huling datos ng PNP, dalawa na ang nasugatan dahil sa ligaw na bala.
Ayon kay PNP spokesperson, Brig/Gen. Bernard Banac – bagamat mababa pa rin ang naitatala, hindi pa rin tapos ang holidays.
Nitong pagpasok aniya ng 2019, nakapagtala sila ng 30 insidente ng illegal discharge of firearms o indiscriminate firing.
Muling umapela ang PNP sa publiko na huwag gamitin ang kanilang mga baril sa pagdiriwang ng okasyon.
Bago ito, sinabi na ng PNP na hindi na nila seselyuhan ang baril ng mga pulis ngayong holiday season.
Facebook Comments