PNP, nakapagtala na ng panibagong 23 kaso ng COVID-19

28

Nadagdagan ng panibagong 23 ang bilang ng mga Philippine National Police (PNP) personnel na nagpositibo sa COVID-19.

Batay ito sa ulat ng PNP Health Service, kaya umaabot na ngayon sa kabuuang 7,278 ang COVID-19 cases sa hanay ng PNP.


Ang mga panibagong kaso, apat ang naitala sa National Capital Region Police Office (NCRPO), tig-dalawa sa Police Regional Office o PRO 1, PRO 3, PRO 4-A, tig-lima naitala sa PRO 11 at PRO Cordillera Administrative Region at tig-iisa naitala sa PRO 2, PRO 6, at PRO 9.

Magandang balita naman dahil may 16 na bagong gumaling sa hanay ng PNP kahapon kaya umaabot na  sa 6,745 ang mga gumaling sa PNP.

Nanatili naman sa 23 ang pulis nasawi dahil sa COVID.

Facebook Comments