Manila, Philippines – Labing dalawang insidente ng indiscriminate firing ang naitala ng Philippine National Police sa loob ng sampung araw.
Batay sa monitoring ng PNP mula December 16 hanggang December 26, 2017.
Manila, Philippines – Lima sa insidente ng indiscriminate firing ay naitala ng National Capital Region Police Office, isa namonitor ng Police Regional Police Office 1, dalawa sa Police Regional Police 3, Isa sa Police Regional Police 5, dalawa sa Police Regional Police 7 at isa namonitor ng PNP ARMM.
Pitong indibidwal naman ang naaresto dahil sa iligal na pagpapaputok, dalawa ay pulis na naitala sa NCRPO, 1 ay Brgy. Kagawad sa PRO 1, 2 sibilyan ay naitala ng PRO 3 at dalawa pa sa PRO 7.
Patuloy namang pinaghahanap ang pito pa, ito ay limang sibilyan na namonitor ng NCRPO isang Ex CAFGU na-monitor sa PRO5 at isa pang pulis namonitor ng PRO ARMM.
Tatlo katao naman ang naitalang sugatan dahil sa indiscriminate firing ito ay naitala ng NCRPO, PRO 3 at PRO 5.