PNP, nakapagtala ng 15 kaso ng indiscriminate firing at 4 na kaso ng stray bullet bago ang pagsalubong ng Bagong Taon

Nakapagtala na ng 15 kaso ng indiscriminate discharge of firearms ang Philippine National Police (PNP).

Ang datos ayon kay PNP PIO Chief PBGen. Jean Fajardo ay mula sa Ligtas Paskuhan monitoring noong December 16 hanggang alas-6:00 kahapon ng umaga.

Pinakamarami sa naitala ay mula sa Region 4A o CALABARZON na anim, apat mula sa National Capital Region Police Office, dalawa sa Region 7 o Central Visayas at tig-isang kaso sa Regions 9, 11 at Cordillera.


Sampung katao ang naaresto, kabilang ang isang security guard, isang pulis at isang Bureau of Correction Personnel.

Siyam na armas naman ang nakumpiska habang apat ang nasaktan sa insidente.

Samantala, apat na kaso rin ng stray bullet ang naitala ng PNP kung saan tatlo ay mula sa NCR habang isa ay mula sa Region 9.

Walang nasaktan sa Metro Manila, ngunit isang biktima sa Region 9 ang tinamaan sa balikat at agad naman itong naisugod sa ospital.

Patuloy na isinasailalim ng PNP-Forensic Group sa cross-matching ang mga nakuhang slug upang matukoy ang baril na pinanggalingan nito.

Facebook Comments