PNP, nakapagtala ng 25 PNP personnel na gumaling sa COVID-19

Panibagong 25 na tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang gumaling na sa COVID-19.

Ito ay base sa ulat ng PNP Health Service kanina, kaya naman mayroon ng kabuuang 8,136 ang recoveries sa PNP.

Pero sa kabila na dumarami ang mga gumaling, nakapagtala naman ang PNP Health Service ng panibagong 12 PNP personnel na positibo sa COVID 19.


Kaya naman 8,589 na ang COVID cases sa PNP, 425 dito ay active cases.

Nasa 12 mga bagong positibo ay apat naitala sa National Capital Region Police Office (NCRPO), tatlo sa National Operation Support Unit, dalawa sa Police Regional Office 8 at tig-isa sa National Headquarters, PRO-3 at PRO-6.

Nananatili naman sa 27 ang pulis na nasawi dahil sa COVID-19.

Facebook Comments