PNP, nakapagtala ng 35 insidente kaugnay ng Barangay at SK Elections

Umabot na sa 35 ang naitalang insidente kaugnay ng nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections.

Ito ang inihayag ni Philippine National Police (PNP) Public Information Office Chief Police Colonel Jean Fajardo.

Ayon kay Fajardo, 12 ang suspected Election-Related Incident (ERI) habang 4 ang validated ERI.


Sa mga nakumpirmang ERI, 3 ang shooting incident at 1 ang alarm and scandal.

Nakapagtala rin ang pulisya ng 19 na non-election related.

Patuloy naman iniimbestigahan ng PNP ang mga naitalagang karahasan sa panahon ng halalan.

Facebook Comments