PNP, nakapagtala ng 59 na PNP personnel na gumaling kanina sa COVID-19

Panibagong 59 na tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang gumaling na sa COVID-19.

Ito ay batay sa ulat ng PNP Health Service kanina, kaya naman mayroon nang kabuuang 8,112 ang recoveries sa PNP.

Sa kabila naman na marami ang gumaling, may naitala pa rin ang PNP Health Service na 19 na bagong positibo sa COVID-19 na PNP personnel.


Kaya naman, 8,578 na ang COVID cases sa PNP, 439 dito ay active cases.

Habang 19 na mga bagong positibo ay 8 naitala sa National Headquaters sa Camp Crame, anim sa National Operation Support Unit, tig-isa sa National Capital Region Police Office (NCRPO), Police Regional Office (PRO) 3 at PRO 4A, habang dalawa sa PRO 7.

Nananatili naman sa 27 ang pulis na nasawi dahil sa COVID-19.

Facebook Comments